Tax Tulungan Center ng BIR sa ilang business establishment tatagal hanggang April 18

CAMARINES NORTE- Tatagal hanggang April 18 sa huling araw ng paghahain ng Income Tax Returns ang mga inilagay na Tax Tulungan Center sa ilang establishment dito sa Camarines Norte.

Matatagpuan ang mga ito sa Houseware Plaza superstore, SM City Daet, New One at LCC Labo.

Dito ay maaaring magtanong at magpatulong ang mga taxpayer sa mga kinakailangang gawin sa paghahain ng ITR.

Bukas ang mga ito araw- araw  para na rin sa convenience ng taxpayers pero tanging “assistance” lang at hindi tumatanggap ng payment.

Araw- araw ay nagpapalitan ang mga tao ng BIR para magmando sa Tax Tulungan Center.

May pailan- ilan naman daw na mga Taxpayer ang nag a-avail ng serbisyo ng Tax Tulungan Center sinimulang inilagay sa mga nabanggit na business establishment noong March 28.

Una nang sinabi ng BIR- RDO 64 na walang extension sa deadline ng paghahain ng ITR sa April 15 ng taong kasalukuyan.

Pero dahil pumatak ang April 15 ng Biyernes Santo ay pwedeng mag file sa susunod na working day o sa April 18.

Hinimok naman ng BIR ang mga taxpayer na hanggat maaari ay mag file at magbayad ng maaga at huwag nang hintayin ang deadline.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *