Lalaki, dedo matapos pagbabarilin ng hindi pa natutukoy na suspek sa Tiaong, Quezon

Isang lalaki ang patay matapos pagbabarilin ng hindi pa natutukoy na suspek sa Barangay Paiisa, Tiaong, Quezon nitong Huwebes, Enero 25.

Kinilala ang biktimang si alyas “Rico”, 40-anyos at residente ng Brgy. Pulang Lupa, Mabini, Batangas.

Sa isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad, sakay umano noon sa motorsiklo ang biktima nang walang anu-ano itong pinagbabaril ng suspek sa iba’t-ibang bahagi ng katawan saka tumakas.

Kaugnay nito, narekober sa crime scene ang limang (5) fired cartridge cases ng Caliber 45.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang malalimang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek at ang motibo nito sa pamamaslang sa biktima.-

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *