Lalaki, natagpuang patay sa Puerto Princesa

Patay na nang matagpuan ang isang lalaki sa bahay nito kahapon (February 14, 2023) ganap na alas-otso kwarenta ng umaga sa Purok Tagkawanan, Barangay Bacungan, Puerto Princesa City.

Sa report ng PNP, ang namatay ay si Joseph Lodovice Navarroza, 59 anyos, binata, caretaker at residente rin sa lugar.

Base sa imbestigasyon, nagtataka ang isang kapitbahay nito kung bakit hindi pa pumupunta sa kanyang tindahan si Navarroza.

Nang puntahan niya ang bahay nito ay tumambad ang nakahandusay na bangkay ng lalaki.

Nagpag-alaman naman mula sa tiyahin na mayroong umano itong pneumonia na posibleng dahilan ng pagkamatay.

Samantala, hindi na isasailalim pa ang biktima sa Autopsy dahil naniniwala ang pamilya nito na binawian ito ng buhay dahil sa kanyang karamdaman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *