Marcos, ipinatawag ang Chinese envoy kaugnay sa tumataas na mga hakbang ng China sa WPS

Ipinatawag na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Chinese Ambassador Huang Xilian para ipahayag ang “serious concern” nito kaugnay sa naging hakbang kamakailan ng China laban sa Philippine Coast Guard (PCG) at local fishermen.

Marcos met with the envoy on Tuesday afternoon, according to the Presidential Communications Office (PCO).

Mababatid na ang panunutok ng laser ng Chinese Coast Guard sa PCG ay nag-udyok sa gobyerno para maghain ng panibagong diplomatic protest laban sa Beijing.

Ang naturang hakbang din ay nagpataas sa kilay ng international community, kung saan pinuna ng ilang bansa “provocative” action ng East Asian.

Sa gitna nito, denepensahan ng China ang kanilang naging aksyon, at sinabing ang Pilipinas umano ang pumasok sa kanilang teritoryo.

Sa naturang pulong, nagpalitan si Marcos at ang envoy ng mga pananaw kung papaanu maipapatupad ang consensus na pinagkasunduan ng dalawang heads of state, pagpapalakas sa dayalogo at kumunikasyon, at ang maayos na pag-manage sa maritime differences sa pagitan ng China at ng Pilipinas. (PCG PHOTO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *