Lalaki sa Samar, halos mawasak ang daliri matapos maputukan; Firecracker victims sa EV, 4 na

Pamalo na sa apat, ang biktima ng paputok sa Eastern Visayas mula December 23 hanggang ngayon araw.

Sa panayam ng Brigada News FM Tacloban kay Jelyn Lopez-Malibago, Regional Information Officer ng ahensya, 3 sa apat na mga biktima ay dahil sa improvised boga, at isa naman ang naputukan ng 5 star.

Ang unang biktima naitala nung December 23, kung saan isang walong taong gulang na batang lalake mula sa bayan ng Palo, leyte ang nasunog ang mukha matapos maputokan ng improvised boga, nung December 26 naman nagtamo ng injury sa mata ang isang anim at dalawangput limang taong gulang nga mga lalake mula sa lalawigan ng Eastern Samar dahil rin sa parehong paputok.

Samantala halos mawasak naman ang mga kanan daliri ang isang lalake sa Paranas Samar matapos maputakan ng five star.

Dahil rito, sinabi ni Malibago na mas pinaigtin pa nila ang kanilang kampanya sa iwas paputok sa pamamagitan ng pakikipag ugnayan sa ibat-ibang Local Government Units, mga barangay opsiyal, magulang at mga kabataan para sa ligtas na pag-salubong ng bagong taon.

Inaasahan kasi ng ahensya ang posibleng paglobo ng mga biktima ng paputok kumpara sa nakaraang taong dahil sa maluwag na restriction. //MENG TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *