Lalaki sa U.S, kayang balansehin ang sampong lata ng softdrinks sakanyang ulo

Muling nagtagumpay si Jamie Keeton 47-anyos ng U.S na mabawi ang Guinness World title na “Most Drink Cans Place on Head” nang makapagbalanse siya ng 10 lata ng softdrinks sa kanyang ulo.

Kinilala ng Guinness si Keeton noong 2016 nang mabalanse niya ang 8 lata ng softdrinks sa loob ng limang segundo.

Ngunit noong 2019, may nakatalo sa kanya mula sa Japan na nakapagbalanse ng 9 na lata.

Ngayon 2022, ay muli siyang nagtagumpay dahil sa kakayahang magbalanse ng 10 lata sa ulo.

Ayon kay Keeton, bata pa lamang siya ay napansin niya nang may kakaibang kondisyon ang kanyang balat.

Ayon sa doctor na sumuri sa kanya, nadiskubre na ang kayang skin pores ay parang vacuum cleaner na may kakayahan higupin ang mga bagay sa kanyang balat.

Samantala, bukod sa Guinness World Record title, ginagamit niya ang kanyang talento upang pagkakitaan, dumadalo siya sa iba’t ibang event at pinapakita ang kanyang kakaibang kakayahan.### BERLYN VILLACRUZ, Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *