US President Biden nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 si US President Joe Biden kung saan kinailangan niyang mag-isolate.

Sa kabila nito, tuloy ang pagtatrabaho ni Biden habang nakakaramdam ito ng mild symptoms.

Kinumpirma ng Presidential physician na si Dr. Kevin O’Connor na ilan sa mga nararanasan ni Biden na simtomas ang runny nose, fatigue at dry cough.

Ayon kay White House Chief of Staff Ron Klain, gagamitin ni Biden ang telepono at video conference sa mga susunod na panahon para hindi matigil ang kanyang mga responsibilidad.

Sinabi ni White House Press Secretary Karine Jean-Pierre na ito ang unang pagkakataon na nagpositibo si Biden.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *