Mga biik, ipinamahagi sa mga naapektuhan ng ASF sa Botolan

Namahagi ng mga sentinel piglets sa mahigit isang daang indibidwal na naapektuhan ng African Swine Fever o ASF sa bayan ng Botolan.

Ito ay inisyatibo ng gobyerno na hiniling sa Department of Agriculture upang makabangon muli sa naluging negosyo.

Binigyan ng tatlong biik ang mga indibidwal noong kahapon sa Botolan Peoples Plaza.

Bukod dito namigay rin ng feeds sa bawat benepisyaryo ang kagawaran para masuportahan ang paglaki ng mga biik sa muling pagsisimula ng kanilang negosyo.//Russell Banawa-BNFM IBA

PHOTO: LGU Botolan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *