Lalaking itinuturing na ‘crypto king’ mahaharap ngayon sa kasong large scale estafa

Mahaharap ngayon sa kasong large scale estafa ang 23-anyos na lalaki matapos maaresto ng mga tauhan ng PNP-CIDG sa isang operasyon sa Parañaque City kaninang madaling araw.

Kinilala ni PCol. Thomas Valmonte, Chief ng Legal Division ng PNP-CIDG ang suspek na si Vance Joshua Tamayo, negosyante at residente ng Talaba Olympia, Makati City.

Sabi ni Col. Valmonte, si Tamayo ay itinuturing na crytocurrency king matapos makapanloko ng milyon-milyong halaga sa kanyang mga investors.

Isa sa complainant ay nakapag invest ng 50 milyong piso ngunit hindi na raw ito nabayaran ng suspek.

Nangangako raw kasi ang suspek ng 4.5 percent monthly interes sa mga iniinvest sa kanyang pera.

Mahigit sampung complainants pa ang inaasahan ng PNP CIDG. Dahil dito, posibleng aabot umano ng mahigit isang daang milyong piso ang mga nainvest na pera sa suspek.

Bukod kay Tamayo, naaresto rin ng mga tauhan ng PNP CIDG ang umano’y secretary ni Tamayo na si Gerome Viñas Laries na nahaharap na rin ngayon sa kaso.

Ang dalawang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP-CIDG RFU NCR habang inihahanda ang mga dokumento sa pagsasampa ng kaso laban sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *