Bagyong #EgayPH, napanatili pa ang lakas; Bagong landfall, naitala sa bahagi ng Dalupiri Island

Nag-second landfall na ang Typhoon Egay sabahagi ng Dalupiri Island sa Cagayan.

Sa 11am bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa coastal waters ng Aparri taglay ang lakas ng hangin na aabot ng 175 kilometro kada oras, at bugsong papalo ng hangang 240 kilometro kada oras.

Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 4 sa northern portion ng Cagayan kabilang ang including Babuyan Islands, northern portion ng Apayao, at northern portion ng Ilocos Norte.

Signal No. 3 naman sa Batanes, nalalabing bahagi ng Cagayan, nalalabing bahagi ng Apayao, northern portion ng Kalinga, northern portion ng Abra, nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, at northern portion ng Ilocos Sur.

Signal No. 2 sa Isabela, nalalabing bahagi ng Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, nalalabing bahagi ng Abra, nalalabing bahagi ng Ilocos Sur, La Union, at northern and western portions ng Pangasinan.

Signal No. 1 pa rin sa Aurora, Quirino, Nueva Vizcaya, nalalabing bahagi ng Pangasinan, Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Zambales, Bataan, Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, northern portion ng Batangas, northern and central portion ng Quezon kabilang ang Polillo Islands, Camarines Norte, northern portion ng Camarines Sur, at northern portion ng Catanduanes.

Sa mga susunod na oras, patuloy itong magpapagewang sa bahagi ng Babuyan Islands bago tumungo sa southwest ng Taiwan.

Inaasahan namang lalabas na ito ng Philippine Area of Responsibility bukas ng umaga.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *