‘Late bloomers’ sa social media, kadalasang nagiging biktima ng scam – DICT Sorsogon

Kinumpirma ni Department of Information and Communication o DICT Sorsogon Engr. John Nomel Ebuenga  na mga late bloomers sa social media ang kadalasang vulnerable o madaling mabiktima sa scam.

Ayon dito, dahil nga mga hindi pa masyadong marunong gumamit ng social media at cellphone o teknolohiya kung kaya mabilis silang mahikayat na gawin o subukan ang anumang mga iniaalok sa kanila.

Ito aniya ang dahilan kung bakit mas mainam pa rin kung hindi na lamang papansinin ang mga mensahe na nagsasabing nanalo sa isang promo o kaya ang mga tumatawag na nanghihingi ng mga personal data tulad ng password o log-in account sa mga online application tulad ng Gcash o online banking.

Upang  matunugan ang nasabing bagay, sinabi ni Engr. Ebuenga na patuloy ang pasasagawa ng DICT Sorsogon ng Cyber Security Awareness seminars sa mga bayan upang ma-educate ang publiko tungkol sa nasabing mga bagay nang hindi na ang mga ito mabiktima ng scam.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *