Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho para sa buwan ng Agosto.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nabawasan ang unemployment rate ng Pilipinas sa 4.4%.

Katumbas na lamang ito ng 2.21milllion jobless Filipinos.
Mas mababa ito sa 4.8% unemployment, o katumbas ng 2.27million noong buwan ng Hulyo.
Tumaas din ang bilang ng mga employed Filipinos sa 95.6%, o katumbas ng 48.7million.
Malaki rin ang ibinaba sa underemployment rate, ‘o ‘yung bilang ng mga Pilipinong naghahanap ng karagdadang working hours.
Mula sa 7.10milllion noong Hulyo – bumaba na lamangito sa 5.63 million nitong Agosto.