Legal counsel ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay, binigyang-linaw ang tungkol sa kumalat na kasulatan mula sa SC na may kinalaman sa DQ case sa isinampa kay dating Albay Gov. Rosal

Kamakailan lamang ay mayroon na namang kumalat sa isang social media platform na kasulatang mula umano sa Supreme Court en banc na may kinalaman sa isinampang disqualification case laban kay dating Albay Gov. Noel Rosal.

Dahil dito, binigyang-paliwanag ni Provincial Government Legal Counsel Atty. Ian Macasinag sa Brigada News FM Legazpi ang tungkol sa nasabing kasulatan, kung saan, sinabi niyang ito ang mga aksyon na ginawa ng Korte Suprema.

Aniya, sinasabi ng nasa unang porsyon ng resolusyon na sa orihinal na petisyon ay binibigyan umano ng sampung araw ang respondents na sagutin ang petisyon.

Nakasaad umano sa ibinabang resolusyon ang aplikasyon para sa TRO, status quo ante order, at pagkatapos ng pagfile, may tatlo pang mga sumunod na mosyon ang inakyat ng petitioner.

Sinabi ni Macasinag na batay sa resolusyong mula sa SC, ang tatlong mosyon na iyon ay NOTED lamang, at kasama umano ng isyung ito ang tungkol sa status quo ante order.

Nangangahulugan lamang umano na ang korte ay hindi gagawa o hindi pa gumagawa ng anumang aksyon maliban sa pag-note na ito o ang ibig sabig sabihin ay nailagay na ito sa kanilang record.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *