P2,000 buwanang subsidy ng gobyerno para sa mga magulang ng mga batang may kapansanan, isinulong sa House

Isinusulong ngayon sa House of Representatives ang pagbibigay ng P2,000 buwanang subsidy  sa mga magulang ng mga batang may kapansanan.

Isinusulong nina Davao City 1st District Representative Paolo Duterte, Benguet Representative Eric Yap, ACT-CIS Partylist Representatives Edvic Yap at Jeffrey Soriano ang House Bill 6743.

Binanggit sa panukalang batas ang pag-aaral na isinagawa ng United Nations Children’s Fund o UNICEF sa pakikipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development na nagpakita na ang pagpapalaki ng isang CWD ay  40 hanggang 80 percent na mas mataas kaysa sa mga sambahayang may mga batang walang kapansanan.

Sinasaklaw ng panukala ang CWD na may edad 21 taong gulang pababa na may physical o mental impairment.

Isinusulong rin ang paglalaan ng paunang  P2 bilyong pondo para sa unang taon ng pagpapatupad ng programa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *