LGU-Donsol, palalakasin ang Children and Youth Welfare Program lalo na ang paglaban sa mga pang-aabuso sa mga kabataan

Mas palalakasin ng Pamahalaang Bayan ng Donsol ang Children and Youth Welfare Program, lalong-lalo na ang paglaban sa mga pang- aabuso sa mga kabataan.

Matatandaan na sa 2023 audit ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Sorsogon sa Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children o LCAT-VAWC, isa ang bayan ng Donsol sa limang mga bayan sa lalawigan ng Sorsogon na nakakuha ng mababang rating, na umabot lamang ng 70%.

Sa tala sa LGU, noong nakaraang taon, dalawang mga kabataan ang biktima ng sexual abuse ang kanilang natulungan, dalawa rin ang biktima ng physical abuse, isa ang nasa custodial care, tatlo ang natulungan na makapagsampa ng kaso at tatlo ang nabigyan ng financial assistance at 8 pamilya ng mga biktima ang nabigyan ng pagpapayo o counselling.

Nitong taon, 7 na mga kabataan ang biktima ng sexual abuse ang kanilang natulungan, isa ang nasa custodial care at 15 na mga pamilya ang nabigyan ng counselling.

Umabot rin sa 2,914 na mga kabataan ang naging benepisyaryo ng supplemental feeding program ng LGU mula sa 47 na mga barangay na may kabuuang P3,386,880 na pundo mula sa DSWD at LGU.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *