LGU Mercedes hihirit pa ng food packs sa DSWD para ipamahagi sa mga residente na apektado ng amihan

CAMARINES NORTE – Hihirit pa ng food packs ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Mercedes Camarines Norte mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para ipamahagi sa mga residente na apektado ng amihan.

Ayon kay Mayor Alexander Pajarillo, nakausap na umano niya ang Municipal Social Welfare and Development Officer at akniyang sinabi na baka pwede pa ulit makahingi ng food packs.

Tugon ito ng Alkalde ng matanong kung may kasunod pa bang pamamahagi ng food packs ang LGU lalo’t matagal pa ang amihan.

Aniya, nagsisimulang maramdaman ang epekto ng amihan pagposak ng Oktubre o Nobyembre na kadalasang tumatagal ng Pebrero.

Ito umano ang dahilan kung bakit isinailaim sa state of calamity ang bayan ng Mercedes noong Disyembre para makakuha ng tulong mula sa national government agency.

Hindi naman daw sila nabigo dahil nakapagbigay sila ng nasa anim na libong food packs mula sa DSWD.

At noon ding DIsyembre ay nakapagbigay ulit sila ng relief goods sa 16 na libong pamilya.

Tatlong buwan ang itatagal ng state of calamity malibang ipag- utos ang maagang pagpapawalang bisa nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *