LGU Naga tiniyak na may sapat na anti-flu at anti-pneumonia vaccines ang mga barangay health center sa lungsod

NAGA CITY – May sapat na mga gamut at vaccines ang mga barangay health center ng Naga City, lalo na sa anti-flu at anti-pneumonia, batay sa paniniyak ng City Health Office at ng mga mga Barangay Health Workers na siyang nag-iikot at nagha-house to house para turukan ng bakuna ang mga lolo, lola, mga bata at mga nanay na mga buntis.

Ang vulnerable sectors na ito, kabilang na rin ang mga bed-ridden at Persons with Disabilities na siyang mga unang tinatamaan ng mga sakit ngayon, sa ganitong klima, ang pag-uulan at sobrang init.

Sa panig naman ng mga barangay opisyal, inihayag ni Liga President, Calauag Punong Barangay Corazon Peñaflor na bagamat may nagkakasakit sa kanilang barangay ngayon, tulad ng pagkakaroon ng ubo, sipon, lagnat o kaya trangkaso ay agad naman nilang nabibigyan ng gamot.

Aniya’y ang mga buntis at mga bed-ridden ay pinapayuhan muna nilang magpa check-up sa Naga City General Hospital para matiyak na walang masamang epekto sa kanila ang mga gamot na maiinom.

Karamihan sa mga buntis ay nakakaranas ng skin allergy kun mali ang gamot na naibibigay sa mga ito, sabi pa ng opisyal.       

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *