LGU Surallah magsasagawa ng Christmas Caroling Contest

KORONADAL CITY- BUKAS na ang local government unit ng Surallah sa pagtanggap ng mga entries para sa Christmas Caroling Contest na isa sa mga aktibidad sa 2021 Kasadya Christmas festival sa naturang bayan sa buwan ng Disyembre.

Ang Christmas Caroling Contest ay bukas sa lahat ng mga singing group o choir ng iba’t ibang educational institution, religious, civic o cultural organization na ang mga miyembro ay residente ng Surallah.

Ang mananalo dito ay makakatanggap ng premyong P 30,000; P 25,000 sa second place; P 20,000 sa third place; P 15,000 sa fourth place; at P 10,000 sa 5th place.

Ang deadline ng registration at confirmation ng entries ay itinakda sa November 29.

Para sa dagdag na impormasyon makipag-ugnayan lamang sa numero 238-3483 o sa 09985664090.

Noong nakaraang taon, ipinagpaliban ang mga aktibidad sa Kasadya Christmas Festival dahil sa COVID 19 pandemic.
Ang Surallah ang tinaguriang Christmas capital ng South Cotabato dahil sa month-long celebration nito ng Christmas festival.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *