Libu-libong halaga ng umano’y marijuana at shabu, nasamsam sa isang HVI

Nasamsaman ng kabuoang P668, 000 na halaga ng umano’y shabu at marijuana bricks ang isang high value individual matapos ang isinagawang operasyon ng pulisya sa Lucog, Tabuk City, Kalinga.

Ang naaresto ay isang 42-anyos na residente sa nasabing lugar kung saan positibong nakuha sa mismong bahay nito ang sampung plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timang na 10 grams at nagkakahalag ng P68, 000.

Bukod dito, limang marijuana bricks din ang nasabat na tumitimbang ng limang kilo at nagkakahalaga ng P600, 000.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng pulisya ang naaresto at nahaharap sa kasong paglabag sa Repaublic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *