Lalaki, nahulihan ng nasa ₱47k halaga ng hinihinalang shabu

Arestado ang isang lalaki matapos ang ikinasang drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa Barangay Cotta, Lucena City nitong Miyerkules.

Batay sa report, isang police officer na umaktong poseur buyer ang nakabili ng hinihinalang shabu sa suspek na si alyas “Archie”, 47-anyos kung kaya ito ay naaresto.

Nakumpiska kay alyas Archie ang mahigit dalawang gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng nasa ₱50,000 at buy-bust money na ginamit sa operasyon.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng awtoridad ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *