Makokolekta na mahigit P600K, inaasahan ng SSS sa 7 delingkwenteng employers sa Sorsogon City

Inaasahan ng Social Security System (SSS) ang P643, 577.00 halaga na collectibles matapos na bisitahin ang pitong delingkwenteng employers sa Sorsogon City na hindi nagremit ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado.

Ang pitong binisita na mga establisamiyento noong Miyerkules, Abril 3 ay kinabibilangan ng kindergarten school, dalawang food service establishment, isang builder & design, fashion boutique at seller ng cosmetics & skin care products.

Sa 7 establisamiyento, dalawa ang may paglabag sa non-production kung saan apektado dito ang 45 empleyado habang lima ang may paglabag sa non-remittance na apektado ang 21 empleyado.

Sa taong ito ay dalawang beses nang nagsagawa ang SSS Sorsogon ng RACE, una nang isinagawa ito noong Marso 25 sa 7 delinquent employers sa bayan ng Bulan, Sorsogon.

Ang RACE team ay pinangunahan ni Rolando Gomez, branch head ng SSS Sorsogon katuwang ang SSS Luzon Bicol Legal Dept Branch Head na si Atty Danilo Ayo, Corporate EO II, Accounts Mgmnt Section ng SSS Sorsogon na si Janet Dimaano at ang Regl Communication Officer, Luzon Bicol Division na si Ms. Quennie Joy Agsao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *