Lola sa Russia, 80 taon nang mayroong karayom sa utak?

Ano na lamang ang  magiging reaksiyon mo kung sakali na malaman mo na lamang na mayroon palang karayom sa iyong utak?

‘Yung tipong mabibigla ka na lamang dahil sa wala ka naman ano man nararamdaman at tanging malalaman mo sa oras na ika’y magpa-CT scan.

Ganyan mismo ang nangyari sa 80-anyos na lola sa Sakhalin Region sa Russia.

Batay sa isang ulat, aabot sa 3cm ang haba ng karayom na nakabaon sa kaniyang utak, kung kaya’t labis na lamang ang pagtataka ng mga kawani ng ospital.

Ayon sa isang teorya, maaari umanong 80 taon na rin itong nakabaon sa kaniyang utak at maaaring ang kanyiang sariling mga magulang din ang may kagagawan nito.

Ito’y sa kadahilanang noong unang panahon, ayon sa isang Russian historian, isa umanong pangkaraniwnag gawain ito noong World War II sa Russia kung saan, kung taghirap at taggutom ay pinipili na lamang ng mga magulang na patayin na lamang ang kanilang mga sanggol sa paraang ito.

Isang milagro na lamang umano itong maituturing dahil sa wala ni ano mang naging epekto sa kaniyang pagtanda.

Sa ngayon, mas pinili na rin ng mga doktor na huwag nang galawin ito ‘pagkat mas mailalagay sa alanganin kung alisin pa umano ang nasabing karayom sa kaniyang utak.### WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *