26 barangays sa So.Cot, hindi pa drug-cleared

KORONADAL CITY – NASA 26 na lamang ang mga drug affected barangays sa lalawigan ng South Cotabato. Ito ang inihayag ni Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 information officer Kat Abad. Kabilang sa mga ito ang dalawang barangay sa Banga; tig-lima sa Koronadal, Lake Sebu at Sto.Niño; anim sa Polomolok; dalawa sa Tampakan; at isa sa TBoli.

Sa Koronadal City, kabilang sa nananatiling drug affected ang Rotonda, Saravia, Topland, GPS, at New Pangasinan. Sa buong lalawigan, 165 na ang naideklarang drug-cleared ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing Program habang 8 naman ang drug-free.

Kabilang sa mga parameters ng assessment sa drug clearing program ang non-availability ng drug supply; kawalan ng drug-dependent, pusher o user; kawalan ng clandestine drug laboratory; active involvement ng mga barangay officials sa anti-drug activities; pagkakaroon ng drug awareness, preventive education and information program at voluntary and compulsory drug treatment and rehabilitation processing desks.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *