Pag-atake sa PSA, posibleng inside job ayon sa DICT

Inihayag ng Department of Communications and Information Technology (DICT) na maaring isang inside job ang pag-atake sa Philippine Statistics Authority (PSA) na maaaring kinasangkutan ng isang lokal na hacker.

Ayon kay DICT Usec. Jeffrey Dy, posible ito dahil ang apektadong community based monitoring system (CBMS) ay naa-access lamang sa loob ng departamento.

Ngunit hindi pa ito kinukumpirma ni Dy dahil internal investigation pa lamang ang kanilang isinasagawa.

Dagdag pa nito, hindi kasing sopistikado ng “Medusa” ransomware ng PhilHealth ang cyberattack sa PSA, dahil sa ngayon ay mayroon na silang lead sa pag-atake.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *