LRT1-Cavite Extension, 97% nang kumpleto

Positibo ang pananaw ngayon ng pamunuan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) dahil sa ganda ng tinatakbo ng LRT-1 Cavite Extension Phase 1 project.

Ayon kay LRMC President and CEO Juan Alfonso, 97% nang kumpleto ang nasabing proyekto kung saan target na mabuksan bago matapos ang taon.

Sinabi pa ng opisyal na patapos na rin ang limang bagong istasyon ng lrt1 kung saan sabayan nilang ginagawa ang test runs, telco installations at iba pa.

Sa oras na matapos ang LRT-1 Cavite Extension Phase 1 ay madaragdagan ng 6.2km ang nasabing linya ng tren.

Inaasahang namang aabot sa anim na raang libong mananakay ang mabebenipisyuhan ng nasabing proyekto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *