LTO 12 pinayuhan ang mga motorista na sumunod sa mga road safety precautions

KORONADAL CITY- NAMIGAY ng libreng motorcycle helmet sa Koronadal City Public Terminal ang mga kawani ng Land Transportation Office o LTO Region 12 sa pamumuno ni Regional Director Macario Gonzaga.

Ito ay bahagi ng observance ng Road Safety Month ngayong buwan ng Mayo.

Partner ng LTO sa pamimigay ng helmet ang isang motorcycle dealer.

Samantala, kabilang sa iba pang aktibidad ng LTO 12 ay ang pagsasagawa ng lecture sa Koronadal National Comprehensive High School at isa sa bayan ng Surallah.

Layon ng Road Safety Month na mapaigting ang awareness ng mga motorista sa mga traffic rules upang mapababa ang casualties dahil sa mga aksidente sa daan.

Inihayag ni Gonzaga na batay sa datos ng Philippine National Police as of May 23, umabot na sa 1,499 ang mga namatay dahil sa road accidents, hindi pa kasali dito ang mga sugatan.

Kaugnay nito, nananawagan si Gonzaga sa mga motorista na mag-ingat at sumunod sa mga road safety precautions at magpatupad ng defensive driving upang makaiwas sa aksidente sa daan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *