LTO, pinalawig ang bisa ng mga lisensiya dahil sa kakulangan ng suplay ng plastic cards

Pinalawig pa ng Land Transportation Office (LTO) ang bisa ng mga lisensiya dahil sa kakulangan ng suplay ng plastic cards.

Ayon kay LTO Chief Atty. Vigor Mendoza II, nakapag-deliver na ng 200K piraso ang supplier ng plastic cards pero hindi pa rin ito sapat.

Dagdag pa ni Mendoza, awtomatikong ipapatupad ang extension kaya’t hindi na kailangan pumunta pa sa kanilang tanggapan.

Aniya, kikilalanin pa rin ng LTO ang electronic driver’s license.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *