Mabalahibong ahas natagpuan sa Thailand

Natagpuan ng isang lalaki sa Thailand ang isang ‘furry green snake’ o isang ahas na may balahibong kulay green malapit sa kanyang bahay kung saan ito ay may habang dalawang talampakan.

Ayon sa lalaki na si Tu, naglalakad lamang umano siya papauwi sa kanilang bahay nang makita ang nasabing ahas at inilagay nya ito sa isang garapon para iuwi at ipakita sa kanyang pamilya.

Sinabi naman ng asawa ni Tu na hindi pa umano sya nakakakita ng ganitong agas at naisip nilang kailangang malaman ng mga mananaliksik ang kanilang natuklasan kaya naman ipinost nila online ang mga larawan ng ahas at naghanap ng sagot kung ano nga ba ang kanilang natuklasan.

Ang ilan sa mga nakakita ng post ay ikinumpara ang ahas sa isang dragon at ang iba naman ay sinabing isang damo o di kaya’y lumot lamang na tumutubo sa likod nito.

Ang mga haka-haka na ipinahayag online ay tinuldukan ni Sam Chatfield, isang snake species coordinator sa Wildlife ARC, nilinaw nitong ang ahas ay isang puff-faced water snake at ang sinasabing tumutubo umano sa likod nito ay lumot lamang at hindi balahibo.

Samantala, ang Puff-faced water snakes ay kadalasang nakikita sa Southeast Asia.### ROWELYN SARALDE, Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *