Mag-ama, tiklo sa buy-bust; P990K na shabu, nasamsam

SORSOGON CITY – Nauwi sa buy-bust operation ang kalakal ng iligal na droga ng mag-ama sa San Pascual, Masbate.

Kinilala ang mag-ama na sina Manuel Padilla Canoy, 57-anyos at ang 28-anyos na anak nito na si Jacob Sambajon Canoy parehong naninirahan sa Purok 3, Brgy Bolod ng nasabing bayan.

Hawak ng mga ito ang ipinagbabawal na droga na tinatayang nagkakahalaga ng P990K, kung saan si Jacob ay nakuhaan ng crystal meth o shabu na nagkakahalaga ng P20K habang si Manuel ay may hawak na P970K halaga ng shabu.

Inamin naman ng nakatatandang si Canoy sa mga awtoridad na isinangkot niya ang anak sa kalakalan ng iligal na droga matapos na mahuli siya noon sa isang hot pursuit operations.

Ang illegal drug operations ay pinangunahan ng San Pascual MPS katuwang ang drug enforcement units ng Masbate PPO sa koordinasyon sa PDEA-RO5.

Photo Courtesy: San Pascual MPS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *