Magna Carta for rescue workers, isinusulong sa Kamara

Isinusulong ngayon sa Kamara ang pagkakaroon ng dagdag na benepisyo para sa mga disaster workers.

Inihain nina Representatives Lani Marcado-Revilla at magkapatid na Jolo at Bryan Revilla ang House Bill 4490 na layong mabigay ng Magna Carta para sa mga workers ng Public Disaster Risk Reduction and Management workers.

Sa ilalim ng panukala, mabibigyan ng karampatang allowance at benefits ang mga nagtatrabaho sa mga disaster offices.

Kabilang na rito ang hazard at transportation allowance, libreng mental at psychosocial checkups at iba pa.

Nakapaloob din sa panukala ang pagbibigay ng sapat na security of tenure, kompensasyon, at mga retirement benefits.

Sa oras na maisabatas, magkatatanggap ng karampatang financial aid ang mga workers na masusugatan o babawian ng buhay sa kasagsagan ng kanilang serbisyo.

Giit ng mga Revilla, napapanahon nang mabigyan ng proteksyon ang mga disaster workers at mga rescuers lalo na’t hindi lang sa t’wing mayroong sakuna sila nagta-trabaho, kundi noon ding kasagsagan ng pandemya.
#

RELATED STORIES:

Mga nasawing rescuers sa Bulacan, kinilala bilang mga bayani ng kanilang mga kasamahan

5 rescuer patay sa pananalasa ng bagyong ‘Karding’ sa Bulacan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *