Magsasakang no.10 most wanted person sa Quiirino Province, arestado matapos ang 21 na taong pagtatago

Arestado matapos ang 21 na taong pagtatago ang isang magsasakang na Number 10 Most wanted person sa probinsya ng Quirino sa isinagawang operasyon ng pinagsanib pwersa ng Diffun Police Station, RIU 2, QPIU 2 at 1st Quirino Provincial Mobile Force Company sa Andres Bonifacio, Diffun, Quirino.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, kinilala ang suspek na si Ricardo Casuga Jr, 40 anyos, may asawa, isang magsasaka na residente sa nasabing lugar habang kinilala naman ang biktima nito na si Salvador Sereno na residente ng Cordon, Isabela.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon ng mainit na pagtatalo si Casuga at Sereno habang nasa impluwensiya ng nakakalasing na inumin kung saan nagresulta ito upang saksakin ni Casuga si Sereno na nagging dahilan ng pagkamatay nito.

Nadakip si Casuga sa bisa ng mandamiento de aresto sa kasong frustrated murder noong December 9, 2002 na may kaukulang piyansang Php200,000.00 na inisyu ni Hukom Moises Pardo ng RTC Branch 32.

Ipinasakamay ang suspek sa korte na mayroong hurisdiksyon sa kaso bago ang commitment nito sa at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Cabarroguis, Quirino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *