Mahigit 1, 200 na rehistradong mangingisda sa Camarines Norte natanggap na ang fuel discount card

CAMARINES NORTE- Natanggap na ng nasa 1, 268 na rehistradong mangingisda sa lalawigan ng Camarines Norte ang kanilang fuel discount card mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Matatandaan na sinimulang ipamahagi ang first tranche ng fuel subsidy sa mga benepisyaryo sa iba’t- ibang bayan noong Agosto 16.

Nasa 58 benepisyaryo ang nabigyan sa Paracale, Jose Panganiban 265, Talisay 46, Vinzons 88, Basud 24, Daet 123 at Sta Elena 122.

Naka schedule naman ang distribution sa mga kwalipikadong benepisyaro sa Mercedes sa October 4- 5 na mayroong 466 ang pinakamarami sa lahat ng bayan.

Habang ang nasa 76 namang benepisyaryo sa Capalonga ay mabibigyan sa October 6.

Ito ay tulong sa mga mangingisda na labis na naapektuhan ng pagtaas ng produktong petrolyo.

Naglaan ang BFAR ng Php3, 000 fuel subsidy kada benepisyaryo na  gumagamit ng bangkang de motor.

Para makatanggap ng ayuda, dapat ay rehistrado sa FishR at BoatR at gumagamit ng ligal na kagamitan sa pangingisda.

Paalala ng ahensiya na hindi pwedeng ipagbili ang fuel discount card

Hindi rin ito pwedeng i- withdraw sa ATM machine dahil naka design ito sa POS terminal ng gasolinahan.

Ang partner gasoline station ng BFAR sa lalawigan ay ang Shell at Seaoil na kapwa matatagpuan dito sa Daet.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *