Mahigit 100 bagong kaso ngCOVID-19 naitala sa Camarines Norte nitong weekend

CAMARINES NORTE – Patuloy ang paglobo ng naitatalang bagong kaso ng COVID-19 ang lalawigan ng Camarines Norte

Nitong weekend, umabot sa 108 na bagong kaso ang naitala sa report ng DOH Bicol

Sa ipinalabas na case bulletin report nakapagtala ng 51 na bagong kaso nitong sabado habang 57 kaso ang naitala kahapon

Pinakamaraming naitala ang bayan ng Daet na may 28 bagong kaso,  sinundan ito ng Jose Panganiban na nkapagtala ng 25 at 19 sa Bayan ng Labo

Habang 10 ang naitala sa Basud,  11 sa Vinzons, at 4 sa Mercedes

May tig-3 kaso nman ang bayan ng Talisay at SLR , 2 bagong kaso ang nagmula sa Paracale at may tig-i- isang kaso ang Capalonga, San Vicente at Santa Elena

Wala namang naitalang nakarekober at pagkasawi dahil sa COVID-19

Bunsod nito,  sumampa sa 3561 ang kabuuang kaso ng COVID- 19 sa Camarines Norte 

Saman tala, simula kahapon ay ipinatupad na ang paglimita sa galaw ng mga hindi pa bakunadong indibidwal gayundin ang mas pinahabang oras ng curfew na magsisimula alas 10 ng gabi hanggang alas 4 ng madaling araw

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *