Deklarasyon ng pagiging ASF Free ng Naga City nasa proseso na

NAGA CITY- Wala nang naitatalang kaso ng African Swine Fever sa Naga City. Kaugnay nito mamahagi ang Department of Agriculture ng mahigit isang daang sentinel pigs upang alagaan at i-monitor.

Ayon kay City Veterinarian Dr. Junius Elad , magkakaroon ng blood collection upang suriin. Kapag nag negatibo na sa ASF sa limang serye ng test, susulat ang D.A sa Bureau of Animal Industry upang madeklara ang Green Status mula sa Red at Pink Zones. Ibig sabihin ASF free na. Kung ito na ang magiging deklarasyon maaari nang mag repopulate ng baboy.

Inihayag pa sa Brigada News FM Naga ni Dr. Elad , sa pamamagitan nito babalik na ang sigla ng hog industry.

Wala mang naitatalang kaso makalipas ang halos mag-iisang taon na, pumapalo parin sa P350.00 ang bawat kilo ng baboy base sa monitoring ng Naga City Price Coordinating Council.  Dahil aniya ito sa demand mula sa ibang mga rehiyon na naapektuhan din ng ASF.  Mahirap rin ang pagbabiyahe sa ilang lalawigan dahil sa mga restriction sa transportasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *