Mahigit 13,000 na mga kaso ng katiwalian at iba pang reklamo, nalutas na ng PACC

Ipinagmalaki ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na umabot sa mahigit 13, 000 na mga kaso ng katiwalian ang nalutas na simula noong 2018.

Ayon kay PACC Chairman Greco Belgica, 4,135 sa mga kasong ito ay pawang mga reklamo ng korapsyon na natanggap nila mula March 2018 hanggang May 2021.

Nasa 157 dito ang naisampa na sa tanggapan ng Ombudsman; 89 ang isinampa sa Department of Justice-Task Force against Corruption; 3,047 ang inendorso sa kaukulang mga ahensya; 112 ang natapos na sa fact-finding investigation at lifestyle check; 35 ang concluded at 299 ang letters of compliance.

Kaugnay nito, mabilis din naaksyunan ang nasa 9,041 na kaso na idinulog sa PACC na may kaugnayan sa ipinatupad na sa Social Amelioration Program sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Samantala, dagdag pa ng opisyal na nasa 45 na matataas na opisyal na pawang Undersecretary, Assistant Secretary at Director ang nasampahan na ng kaso sa Ombudsman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *