Mahigit 2, 000 katao patay matapos yanigin ng 6.3 magnitude na lindol ang Afghanistan

UMABOT sa mahigit 2, 000 mga tao ang namatay matapos tumama ang isang malakas na 6.3 magnitude na lindol sa kanlurang bahagi ng Herat City sa probinsya ng Herat, Afghanistan nitong nakaraang araw.

Sa datos na inilabas ng mga otoridad sa naturang bansa, aabot din sa 10,000 ang mga nasugatan at nasa 1,300 na mga bahay naman ang napinsala sa tindi at lakas ng pagyanig.

Ang pangyayari ding ito ay itinuturing bilang isa sa mga malakas at mapinsalang lindol na tumama sa mundo kagaya na lamang ng nangyari sa Turkey at Syria.

Samantala, puspusan naman ang isinasagawang pag-rescue ng mga otoridad sa nasabing lugar. ### KENNETH BERMIL

[Omid Haqjoo/AP Photo]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *