1 patay sa banggaan ng motorsiklo at SUV sa Koronadal

KORONADAL CITY- DEAD on arrival sa bahay pagamutan ang isang babae sa nangyaring banggaan ng sasakyan at motorsiklo kagabi sa National Highway Purok Kalikasan, Barangay Paraiso, Koronadal City.

Kinilala ang namatay na biktima na si Pearl Joy Caman , 38 anyos at residente ng Barangay Paraiso, Koronadal.

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay PSSG. Leo Dimaculangan, police traffic investigator ng Koronadal City PNP, inihayag nitong dalawang sasakyan ang sangkot sa nasabing aksidente na kinabibilangan ng motorsiklo na minamaneho ng namatay na biktima na si Caman, na papunta sanang sentro ng lungsod at isang SUV na papuntang Upper Valley na minamaneho naman ni Nenil Estanislao, 49 anyos- residente ng Surallah, South Cotabato. Sa imbestigasyon ng Koronadal City Police Traffic, na overshoot umano ang nasabing motorsiklo sa lane ng SUV na naging dahilan ng nasabing banggaan.

Dagdag pa ni Dimaculangan, na dinala pa sa bahay pagamutan si Caman ngunit ideneklara na ito na dead on arrival.

Titingnang dahilan din ng kapulisan ang mabilis na takbo ng motorsiklo, madulas na daan dahil sa ulan at ang umano’y impormasyon na naka-inom ang driver ng motor.

Nakatakda namang magkita ang dalawang panig sa tanggapan ng City Police Traffic ng Koronadal para sa kanilang pauusap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *