Mahigit 2K surgeries naisagawa na sa ilang bayan sa lalawigan

SORSOGON CITY – May kakayahan nang magsagawa ng ilang minor at major operation sa ilang mga bayan sa lalawigan ng Sorsogon.

Bahagi ang programa ng Elective Surgery ng Provincial Health Office (PHO), kung saan umiikot ang team ng mga espesyalista na mula sa provincial, district, at medicare hospitals na naipatayo na sa ilang bayan para isagawa ang operasyon.

Mula nang mailunsad umano ang programa sa bayan ng Donsol noong Nobyembre, 2020, umabot na sa 2,322 pasyente na ang nagpa-opera.

Pinakahuli naman dito ay ang isinagawa sa bayan ng Pto. Diaz, kung saan 19 na mahihirap na pasyente ang nabigyan ng serbisyo.

Ayon sa pamunuan ng PHO, malaking tulong umano ang programa lalo na sa mga kapos sa pinansyal na kakayahan para hindi na kailangan pang magpunta sa lungsod.

Kinakailangan lamang na magpalista sa ospital sa pinakamalapit na bayan ang mga nagnanais maoperahan para mabigyang tugon sa susunod na pag-ikot ng team ng mga espesyalistang doktor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *