Mahigit 3,000 pamilya sa Camalig, Albay, inaasahang ililikas oras na lumala ang sitwasyon ng Bulkang Mayon

LEGAZPI CITY – Inaasahang maililikas ang mahigit 3,000 mga pamilya mula sa bayan ng Camalig, Albay kapag lumala ang sitwasyon ng bulkang Mayon, partikular na kung itataas na sa alert level 3 ang status nito.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng bayan, nasa kabuuhang bilang na 3,695 ang pamilyang ililikas kung saan mula sa barangay ng Anoling, Cabangan, Salugan, Quirangay, Sua, at Tumpa.

Sa isinagawang pagpupulong ng MDRRMO ng nasabing bayan kasama ang LGU nito, inilahad ang mga paghahanda at mga antisipasyon sa banta ng bulkan kabilang ang evacuation plan para sa mga apektadobg populasyon, permanent relocation at ang overall management ng mga residente ililikas.

Mahigit 3,000 pamilya sa Camalig, Albay, inaasahang ililikas oras na lumala ang sitwasyon ng Bulkang MayonSamantala, pinaplano ng LGU na ipatupad ang cluster-based response sa pamamagitan ng pagtipon ng lahat ng mga tanggapan at ahensya upang masaklaw ang mga lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *