Mahigit 300K Sorsoganon rehistrado na sa Philsys; mobile registration  nagpapatuloy

SORSOGON CITY – Mahigit 300K na mga residente ng lalawigan ang nakapagrehistro na sa Philippine Identification System (PhilSys). Ito ang kinumpirma ni Philippine Statistics Authority (PSA)-Sorsogon Supervising Statistician Specialist Gemma Red.

Pahayag ng opisyal, ang nasabing bilang ay indikasyon na positibo ang naging pagtanggap ng mga Sorsoganon sa nasabing aktibidad.

Nangangahulugan din aniya ito na malapit na nilang makumpleto ang pagpaparehistro lalo na at nasa mahigit 800K  lang naman ang populasyon ng lalawigan.

Samantala, dahil kakaunti na lamang ang bilang ng mga nagtutungo sa kanilang mga registration center, sinabi ng opisyal na nagsasagawa na rin sila ng mobile registration kung saan mga malalaking institusyon o ahensya ng gobyerno dito sa probinsya ang kanilang nagiging venue.

Una rito, sinabi ng opisyal na sa kabuuhan ay nasa 30 milyong pilipino sa buong bansa ang nakapagparehistro na sa National ID system, 30% ito sa kabuuhang populasyon ng Pilipinas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *