Mahigit 600 patay matapos yanigin ng maginitude 6.8 na lindol ang Morocco; DFA, walang naiulat na Filipino casualty

Lumobo pa sa mahigit 630 ang bilang ng mga nasawi sa magnitude 6.8 na lindol na tumamas sa Morocco.

Sa huling ulat – mula sa mahigit 300 casualties ay patuloy pa itong lumo-lobo oras-oras habang nagpapatuloy ang mga rescue operations.

Naitala ang sentro ng lindol 72 kilometers southwest ng Marrakech – isang lungsod na may populasyon na humigit-kumulang 840,000 people at isang tourist destination.

Apektado rin ng lindol ang ilang mga heritage sites sa lugar.

Samantala, sinabi ni Philippine Ambassador to Morocco Leslie Baja na patuloy nilang mino-monitor ang sitwasyon ng mga Pilipino doon.

Sa ngayon, wala pa umanong confirmed Filipino casualty sa naturang pagyanig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *