𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗞𝗔𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗣𝗜𝗟𝗢𝗧 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗧𝗔𝗚 𝗖𝗨𝗥𝗥𝗜𝗖𝗨𝗟𝗨𝗠

Napabilang ang Cauayan North Central School sa mga piling paaralan sa bansa na magpapatupad ng pilot implementation ng MATATAG Curriculum ngayong taon.

Kamakailan ay binisita ni Schools Division Superintendent Cherry Ramos ang naturang paaralan upang masiguro na maayos ang magiging transition nito.

Nagbigay din ng suporta at inspirasyon si SDS Ramos sa mga mag-aaral at guro sa naturang paaralan kung saan pinuri nito ang mga magagandang gawain nito at tinignan ang iba pang mga aspeto na maaari pang mapabuti.

Nagkaroon naman pag-uusap si SDS Ramos kasama ang school head na si Ronie Rumboa tungkol naman sa monitoring actual result via objectives.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *