Mahigit 70 mga pasahero papuntang Catanduanes, stranded ngayon sa Tabaco Port dahil sa hindi pagsunod ng travel protocols

BICOL—Kinumpirma mismo ni Catanduanes Gov. Joseph Cua na nasa 76 na mga pasahero biyaheng Catanduanes ang stranded ngayon sa Tabaco Port sa lalawigan ng Albay.

Ayon kay Cua, karamihan sa mga stranded ay ang mga indibidwal na hindi nakapag register sa S-PaSS system, habang ang iba naman ay kanselado na ang hawak na Travel Coordination Permit at tanging ang layunin lamang sa pagpunta ng lalawigan ay upang maki piyesta sa isang munisipyo dito.

Samantala kaugnay nito, nakiusap naman ang gobernador sa publiko na sumunod sa mga patakarang inilatag ng probinsya para sa mas ligtas at maayos na pag biyahe.

Kung kanselado na aniya ang TCP ay huwag nang pwersahin pang pumasok papasok ng Catanduanes habang siguraduhin naman na nakapag register at mayroong S-PaSS account.

Sa huli, inihayag nito na importante ang kooperasyon ng bawat isa ngayong nasa gitna ang lahat ng pandemya at patuloy sa pagsirit ang mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa islang lalawigan.###

Photo Courtesy: Ms. Jinky Tabor

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *