Mahigit 7,600 na mga inabandona at nakumpiskang baril, sinira sa Kampo Crame

Winasak ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang nasa 7,612 na nakumpiska, nasabat, isinuko, idineposito, at inabandonang armas sa Kampo Crame.

Bahagi ito ng demilitarization kung saan ang mga lumang armas na wala nang pakinabang ay ginagawang scrap metal upang masiguro na hindi na magagamit pa ang mga piyesa nito.

Ang PNP Logistics Office ang siyang namamahala sa demilitarization kung saan aabot sa 25,476 luma at sirang armas ang kanilang na-imbentaryo mula February 8, 2021 hanggang January 25, 2022 na isinailalim sa serye ng pagwasak.

Ayon kay PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., ang hakbang ay bahagi rin ng gun control measures ng PNP upang masiguro na hindi mapapasakamay ng mga masasamang loob o mga kriminal ang mga armas.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *