Mahigit 80 sunog naitatala na ng BFP Olongapo ngayong taon

Umabot na sa mahigit walumpu ang naitatalang sunog ng Buraeu of Fire Protection Olongapo City ngayong taong 2023.

Base sa datos, pinakamarami umano sa mga naitatalang sunog ay mga open burning.

Ayon kay City Fire Marshal Fire Supt. Roderick Marquez, noong 2022 ay nasa dalawamput apat lamang ang naitala subalit ngayong 2023 bagamat hindi pa natatapos ang taon ay umabot na ito sa walumput dalawa.

Matatandaan, noong nakalipas na Sabado, naabo ang isang bahay sa New Cabalan at ayon kay Marquez, ang naiwang lutuan na dapat pang-outdoor ginagamit ang nagging dahilan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *