Nag-iisang law school sa Sorsogon, may 10 bagong abogado

May bagong 10 abogado ang nag-iisang Law School sa lalawigan ng Sorsogon matapos na lumabas ang resulta ng September 2023 Bar Examinations kahapon ng hapon.

Kabilang sa mga bagong abogado ay sina Levi Barcelona, Cyril Bejison, Eunice Bernal, Michael Bonglonta, Edmund Earl Timothy Burdeos III, Jason Calamdag, Diessa Dino, Ysabelle Tracey Dioneda, Joey Enaje at Jessica Fortes-Gabito.

Ayon kay Judge Marie Louise Aragon, Dean ng nasabing paaralan, kabuuang 42 ang kumuha ng eksaminasyon mula sa paaralan at mula sa nasabing bilang, 16 ang new takers.

Ang Aemilianum College of Law ang nag-iisang law school sa lalawigan na taon-taon ay may bagong mga abogado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *