Paghingi ng ‘reconsideration’ ng proprietor ng Sorsogon cockpit coliseum kaugnay ng pag pagpapawalang bisa ng City Ordinance na nagbibigay permiso sa operation nito, ibinasura

Ibinasura ng Sanggunian Panlalawigan ang sulat mula sa proprietor ng Sorsogon Cockpit Coliseum na humihingi ng reconsideration patungkol sa naunang desisyon nito na ipawalang bisa ang Sorsogon City Ordinance No. 037 series of 2023 na nagbibigay authority upang magamit ang nasabing cockpit coliseum dahil ito umano ay ultra vires.

Ibig sabihin labas ito sa kapangyarihan ng Sanggunian Panlungsod ng Sorsogon City.

Sa Joint Committee Report No. 397 series of 2023 ng Committee on Rules and Revisions of Law at Committee on Games and Amusements ng Sanggunian Panlalawigan, pinagtibay nito ang SP Resolution No. 522-2023 na nagdi-deklarang invalid sa nasabing City Ordinance.

Anya, wala rin umanong entity o rights ang proprietor para magkwesyon sa kapangyarihan ng Sanggunian dahil pribadong indibidwal ito.

Magkakaroon lang aniya ng bisa ang reconsideration kapag ang Sangguniang Panlungsod ang nag endorso nito sa Sanggunian Panlalawigan.

Sa huli, ibinalik sa Sangguniang Panlungsod ang nasabing sulat para dumaan sa tamang proseso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *