Mahigit 88,000 na trabaho, iaalok para sa Independence Day Job Fair

Iaalok ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang nasa 88,677 na mga trabaho sa pagdiriwang ng Independence Day sa ika-12 ng Hunyo.

Gagawin sa Malolos Bulacan Capitol Gymnasium ang main job fair event at mayroon naman ding gaganapin sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa.

Nasa 80,627 ang local employment na maaaring applayan habang nasa 8,050 naman ang overseas employment.

Samantala, may ilang mga naghahanap ng trabaho ang humihiling ng online job fair sa patuloy na banta ng Covid-19 pandemic. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published.