Mahigit P15M, matatanggap ng 28 barangay sa bayan ng Irosin mula sa PMNP

Makatatanggap ng mahigit P15M ang 28 mga barangay sa bayan ng Irosin sa ilalim ng Philippine Multi-Sectoral Nutrition Project (PMNP).

Sa tala ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), apat mula sa nasabing bilang makakatanggap o mayroong Community Grant Allocation na mahigit sa P1M.

Kabilang dito ang mga Barangay ng Bacolod, Carriedo, Gabao at Monbon.

Ang nasabing grant ay bahagi ng 4-Year PMNP na pinangunahan ng DOH at DSWD upang makabuo ng Nutrition-Specific and Nutrition-Sensitive Interventions sa mga Local Government Units sa pamamagitan ng multi-sectoral approach at mga ahensya ng gobyerno.

Matatandaan na lumabas sa bagong Expanded National Nutrition Survey (ENNS) na mataas ang kaso ng stunting at malnutrisyon sa mga kabataan sa bansa, na ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay may negatibong epekto sa pag-unlad ng mga kabataan.

Ang PMNP ay inilunsad noong buwan ng Marso at popondohan naman ng World Bank.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *