Mahigit P2M na halaga ng 6 na quarantine facilities sa Isabela, pinasinayanan

Pinasanayaan ang anim na bagong quarantine facility ng lalawigan ng Isabela na pinondohan ng ng mahigit 2 million pesos ng Provincial Government.

Pinangunahan ni PNP Chief PGen. Guillermo Lorenzo Eleazar at Isabela Governor Rodito Albano III ang ribbon cutting at blessing ng Pre-Fab Quarantine Facility.

Ang mga pasilidad ay itatayo sa iba’t-ibang lugar ng lalawigan .Ito ay kinabibilangan ng dalawang quarantine facility sa Camp Lt. Rosauro Toda Jr. sa Baligatan City of Ilagan, Isabela; dalawa rin sa Brgy. Naganacan Sta. Maria, Isabela, at tig-iisa sa 201ST RMFB sa Brgy. Sindun Bayabo, City of Ilagan at 205th RMFB sa Brgy. Macalauat Angadanan, Isabela.

Matatandaan na may nauna nang lima ang naipatayong quarantine facility sa Police Regional Office 2.

Ito ay pinagsamang inisyatibo ni Regional Director PBGen. Crizaldo Nieves at Provincial Director PCOL. James Cipriano at ng mga iba’t-ibang stakeholders.

Kasabay din pinasinayaan ay ang bagong Isabela Police Provincial Office Firing Range.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *